Pinangangambahan na ng OCTA Research Group ang local transmission ng mas nakahahawang Delta Variant matapos kumpirmahin ng DOH ang 11 local cases ng nasabing klase ng COVID-19.
Ayon kay Professor Guido David ng OCTA, hindi malayong mayroon ng local transmission ng Delta Variant lalo’t may kumpirmado ng mga kaso sa bansa.
Bagaman hindi pa kinukumpirma ng DOH kung mayroon na o wala pang hawahan, inabisuhan ni David ang publiko na huwag nang hintayin ang anunsyo bagkus doblehin ang pag-i-ingat kontra COVID-19.
Dapat na anyang maging proactive ang bawat isa sa halip na matakot.
Sa ngayon ay nasa 35 na ang naitalang delta variant sa bansa kabilang ang isang namatay. —sa panulat ni Drew Nacino