Ibinabala na ng mga health expert ang posibilidad na umiiral na ang community transmission ng mas nakahahawang Delta Variant ng COVID-19 at dapat na itong paghandaan ng gobyerno.
Ito’y makaraang kumpirmahin ng Department of Health na mayroon ng labing-isang local cases ng Delta Variant ang nakapasok sa pilipinas.
Ayon kay Infectious Disease Specialist, Dr. Rontgene Solante, miyembro ng government vaccine expert panel, nangyayari ang local o community transmission kung ang isang tao ay nakapanghawa ng isa pang indibidwal kahit hindi sila umaalis ng bansa.
Isa anya sa senyales na mayroon ng local transmissionang pagkakaroon ng “clustered” o kumpul-kumpol na kaso ng Delta Variant sa iba’t ibang rehiyon.
Gayunman, inihayag ng isa ring infectious disease expert at miyembro ng IATF na si Dr. Edsel Salvaña na hihintayin muna niya ang Genome Data upang mabatid kung mayroon na o wala pang variant transmission. —sa panulat ni Drew Nacino