Obligadong magpakita ng negatibong resulta ng COVID-19 swab test ang mga turistang dadayo sa Aurora Province na manggagaling sa mga lugar na nasa general community quarantine ‘without heightened restrictions’ at Modified General Community Quarantine.
Ito ay kahit pa fully vaccinated na laban sa COVID-19 ang isang turista.
Alinsunod ito sa Executive Order na inisyu ni Aurora Gov. Gerardo Noveras sa pagbubukas ng lalawigan sa mga turista mula August 1.
Matatandaang isa si Noveras sa mga indibidwal na tinamaan pa rin ng COVID-19 kahit bakunado na. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico