Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na walang Filipinong sakay ng lumubog na cargo ship sa Liberia.
Ayon kay DFA Assistant Secretary Eduardo Meñez ng Office of Strategic Communication and Research, ipinabatid sa kanila ng maritime commissioner ng Liberia ang nasabing impormasyon.
7 crew anya ang nawawala nang lumubog ang Niko Ivanka noong Sabado na umalis mula sa kabisera na Monrovia kahit kulang ang basic safety requirements ng barko.
Batay sa manifesto ng cargo vessel, 18 ang lulan nito kabilang ang Swedish Captain, isang Chinese Crew Member at 9 na Liberian. —sa panulat ni Drew Nacino