Napanatili ng Duterte administration ang target na paglago ng Gross Domestic Product (GDP) sa 6 hanggang 7% sa taong ito at 7 hanggang 9 % para sa susunod na taon.
Ito ayon sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) ay resulta nang pagbaba na ng kaso ng COVID-19 dahilan nang bahagyang pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.
Kasabay nito, idinipensa ng DBCC ang pag-apruba ng economic managers sa panukalang 2022 national budget na nasa P5.02 trilyon na mas mataas ng 11.5% sa kasalukuyang budget.
Itinaas ang panukalang budget para sa susunod na taon upang patuloy na tustusan ang pagtugon sa COVID-19 pandemic at iba’t ibang imprastruktura.