Hindi pa maituturing na “surge” ang kaso ng COVID-19 na naka-admit ngayon sa Philippine General Hospital.
Ayon ito kay Dr. Jonas Del Rosario, Spokesperson ng PGH sa gitna na rin nang pag alerto ng gobyerno sa lahat dahil sa banta ng delta variant ng coronavirus.
Sinabi sa DWIZ ni Del Rosario na wala pa silang ginagamot na kaso ng Delta variant bagamat naghahanda naman sila sakaling sumipa ang kaso ng COVID-19.
Kasabay nito tiniyak ni Del Rosario ang patuloy at mahigpit na pagsunod sa health and safety protocols hindi lamang ng mga health workers .
Wala pa naman kaming na-aadmit na as far as we know na may delta, pinapadala ‘yan sa Philippine Genome Center, it takes a while for them to tell us kung meron, ang aming number of patients ngayon ay 106 out of 250 bed nasa ano pa lang kami less than 50%, utilization although medyo puno pa rin yung ICU but definitely we have not yet experience the surge, kung talagang papalo uli. Tapos very strict kami sa aming Personal Protective Equipment for all people who are in PGH ‘pag watcher ka o bumibisita ka sa mga ospital obligado na naka-facemask and faceshield ang then when you are a healthcare worker, whether nasa non-COVID or COVID e’ naka-personal, may gowns po yan kapag humaharap sa mga pasyente, yan po syempre were just getting ready na kung sakaling sumipa… Nandyan ang aming mga equipment, oxygen tank , flow oxygen machine making sure na gumagana silang lahat,″ pahayag ni Del Rosario sa panayam ng DWIZ.