Maaaring may nakalusot sa kabila ng mahigpit na ipinatutupad na border control ng pamahalaan laban sa Delta variant.
Ito ang inihayag ni National Task Force against COVID-19 Adviser Dr. Teddy Herbosa kasunod ng naitalang labing isang local cases ng delta variant sa bansa.
Paliwanag pa ni Herbosa, karamihan sa nagpositibo sa naturang variant ay mga returning Overseas Filipino Workers kung kaya posibleng may nakalusot sa mga border control.
Dahil dito, magpapatupad ang pamahalaan ng 4-door policy laban sa delta variant.
Nabatid na nasa apatnapung porsiyentong nakakahawa ang delta variant kumpara sa ibang COVID-19 strain.