Natukoy na ang 91 indibidwal na close contact ng 16 na bagong kaso ng delta variant sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 8 ang natukoy mula sa National Capital Region, 10 sa Region 6, 27 sa Region 10 at 46 ang returning Overseas Filipinos o ROFs.
Sinabi pa ni Vergeire na patuloy ang isinasagawang contact tracing upang mahanap ang iba pang nakasalamuha ng 16 local cases na tinamaan ng Delta Variant sa bansa.
Naniniwala si Vergeire na mula sa ibang bansa ang mga natukoy na local cases ng naturang variant.
Patuloy namang pag-aanalisa ng Philippine Genome Center sa mga sample at lineage ng mga kaso ng Delta Variant.