Patuloy ang pagkilos ng DOH para mapalakas pa ang pagtukoy sa COVID-19 variant.
Kabilang sa mga ginagawa nila ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ay pagpapalawig ng kanilang genome sequencing process sa Visayas at Mindanao.
Sa pamamagitan aniya ng genome sequencing process ay malalaman ang uri ng coronavirus na dumapo sa isang indibidwal.
Sinabi ni Vergeire na malaking hamon sa medical experts ang pagkakadiskubre sa bansa ng delta variant ng coronavirus.
Ipinabatid ni Vergeire na 750 samples ang dinadala nila kada linggo sa Philippine Genome Center.