Dapat umanong maghanda ang bansa para sa “worst-case scenario” dahil sa posibleng pagkalat ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Gene Nisperos, Board Member ng non-Government Organization na Community Medicine Development Foundation, nakaka-alarma ang posibleng pagkalat ng Delta variant lalo’t kulang ang testing capacity at mabagal na vaccination roll-out sa bansa.
Ani Nisperos, nauunawaan niyang mayroong sinusunod na criteria para masabing mayroon nang community transmission.
Ngunit mas makakabuti aniya kung paghahandaan na agad natin ang posibleng mas matinding sitwasyon dahil sa Delta variant.
Giit ni Nisperos, hindi tayo dapat maging kampante at sabihin na wala pang ebidensya na mayroon nang community transmission. Narinig na umano natin ito noong nakaraang taon hanggang sa tuluyan nang nagsimula ang pandemya.