Nagbabala ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ng mas maraming pag-atake sa kanilang mga miyembro at iba pang aktibista.
Ito’y matapos ibilang na ng Anti-Terrorism Council (ATC) na teroristang grupo ang NDFP.
Ayon sa grupo, inaasahan na nilang mas dadami pa ang mga alegasyon kung saan puntirya ang mga legal social activists, human rights defenders, kritiko at mga kumukontra sa administrasyon.
Ipinaalala rin ng grupo ang nangyaring pagpatay at pag-aresto sa maraming nilang consultants.