Nanindigan ang Zamboanga City Local Government sa kanilang “no swab test, no entry” policy laban sa COVID-19 lalo ang mas nakahahawang delta variant nito.
Ayon kay City Health Officer, Dr. Dulce Amor Miravite, nananatili ang polisiya upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente lalo’t maaari pa ring tamaan ng COVID-19 kahit ang mga nabakunahan na.
Nilinaw naman ni Miravite na wala silang centralized database system upang beripikahin kung fully vaccinated o hindi ang isang vaccination card holder.
Bukod sa Zamboanga city, kailangan ding magpakita ng negative swab test result ang mga magtutungo sa Zamboanga Del Norte.
Pinapayagan naman ang mga in-bound traveler sa Zamboanga Del Sur na magpakita ng safe, swift, and smart passage habang medical certificate, travel authority at valid identification card sa Zamboanga Sibugay. —sa panulat ni Drew Nacino