Nakatakdang talakayin ng Pilipinas at Estados Unidos ang bilateral at regional security issues sa susunod na Linggo.
Ito, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ay sa sandaling dumating si US Defense Secretary Lloyd Austin sa July 29.
Kabilang anya sa kanilang pag-uusapan ang visiting Forces Agreement, Mutual Defense Treaty, estado ng bilateral relations at isyu sa West Philippine Sea.
Bukod sa Pilipinas, bibisita rin si Austin sa Vietnam at Singapore bilang bahagi ng kanyang Southeast Asian tour. —sa panulat ni Drew Nacino