Wala pang namomonitor o naitatalang pumupuslit papasok ng Pilipinas partikular ang mga mula Indonesia.
Ito ang tiniyak ng Philippine Coast Guard sa gitna ng banta ng COVID-19 delta variant.
Ayon kay PCG Spokesman, Commodore Armand Balilo, pinaigting na nila ang pagbabantay sa maritime border ng bansa partikular sa southern backdoor.
Samantala, patuloy anya nilang binabantayan ang kondisyon ng 12 COVID-19 positive crew ng isang barko mula sa Indonesia. —sa panulat ni Drew Nacino