Hinihintay na ng mga pribadong ospital ang application ng mga bagong nurse.
Sa gitna na rin ito nang paghahanda ng mga miyembro ng Private Hospitals Association of the Philippines Incorporated (PHAPI) sa posibleng pagsirit ng kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant.
Ayon kay PHAPI President Jose Degrano sa simulat simula pa ay handa naman ang mga pribadong ospital katuwang ang government facilities para sa COVID-19 cases subalit higit na ikinakatakot nila aniya ay hindi kakayanin ng bansa ang pagsirit ng kaso ng virus sa Indonesia at India.
Una nang inihayag ng PHAPI na hindi makapagdagdag ng ICU beds ang kanilang mga miyembro dahil kulang sila ng staff.