Unti-unti na namang tumataas ang kaso ng COVID-19.
Ito ayon kay Dr. Maricar Limpin, pangulo ng Philippine College of Physicians ang nakikita ng mga ospital sa pagtaas ng mga isinusugod na pasyente ng COVID-19 sa emergency rooms.
Sinabi pa ni Limpin na ramdam na ng mga duktor ang pagtaas ng kaso lalo na sa huling bahagi nuong isang linggo hanggang sa linggong ito.
Tumataas din aniya ang infection sa mga health workers.
Iginiit ni limpin ang pangangailangang maghanda ng respiratory equipment at supplies tulad ng ventilators at oxygen tanks lalo na sa mga malalayong lugar.
Gayunman tiniyak ni Limpin na tutugon sila kung kinakailangan lalo na kung maaapektuhan na rin ang mga healthcare workers kapag sumirit pa ang kaso ng COVID-19.