Isang grupo ng mga kababaihan ang ilulunsad sa darating na weekend para kumbinsihin si Vice President Leni Robredo na tumakbo bilang Pangulo sa 2022 elections.
Ang naturang grupo ay tatawaging “Women for Leni” na nakatakdang magpulong sa “Kababaihan, Magkaisa Virtual Meeting” sa Sabado, Hulyo 24.
Ang grupo ay bubuuin umano ng mga kababaihan mula sa iba’t ibang multi-sectoral organizations.
Ayon kay Bans Alqaseer, tagapagsalita ng grupo, makikisa ang mga kababaihang ito dahil sa iisang paniniwala na si Robredo ang karapatdapat na maging pinuno na tunay na nakakaunawa at may adbokasiya para sa karapatan ng mga kababaihan.