Inalmahan ng grupong Bagong Alyansang Aakabayan o Bayan ang pagbasura ng mga awtoridad sa kanilang hirit na permit to rally.
Ito’y para makapagdaos ng kanilang kilos protesta sa huling State Of The Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 26.
Ayon kay Bayan Sec/Gen. Renato Reyes, batay sa anunsyo ng lokal na pamahalaan, ibinasura umano ng Quezon City Police District o QCPD ang kanilang hiling na permit to rally sa harap ng St. Peter’s Church sa Commonwealth Avenue.
Giit ni Reyes, ang lokal na pamahalaan at hindi ang pulisya ang siyang may kapangyarihan na maggawad o magbasura sa kanilang kahilingan.
Inakusahan pa ni Reyes ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang siyang nasa likod ng pagharang sa kanilang permit to rally dahil ayaw umano nilang marinig ang sigaw ng maralitang Pilipino hinggil sa anila’y kapalpakan ng administrasyon.