Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang buong pakikiisa sa hakbang ng Department of Justice (DOJ).
Ito’y may kaugyanan sa planong repasuhin ang mga kasong administratibo na isinampa laban sa mga pulis na una nang inabsuwelto ng Internal Affairs Service (IAS).
Ayon kay PNP Chief, Police Gen. Guillermo Eleazar, wala silang itinatago at handa silang humarap sa anumang imbestigasyon sakaling sila’y ipatawag.
Magugunitang nagsumite ng case folders ang PNP sa DOJ para isailalim sa imbestigasyon ang kanilang ikinasang mga operasyon kontra iligal na droga kung saan may naitatalang nasawi.