Ipinagpaliban ng FIBA Board ang nakatakdang FIBA Asia Cup sa Indonesia hanggang sa Hulyo sa susunod na taon dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ang naturang desisyon ay isinagawa matapos magpulong ng FIBA Asia Board sa Lebanon dahil sa pangamba sa pananalasa ng COVID-19 sa Indonesian Capital.
Nakatakda sana magsimula ang pinakalamaking torneo sa Asya sa darating na 16 hanggang 28 ng Agosto sa Jakarta, Indonesia.
Sumulat na si FIBA Executive Director For Asia Hagop Khajirian sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) upang ipaalam ang bagong schedule ng torneo, na kasunod na ng FIBA Basketball World Cup Asia Qualifiers.