Labing walo (18) sa 47 kaso ng delta variant ang hindi pa napabakunahan kontra COVID-19 ayon sa DOH.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, apat aniya rito ay nakatanggap na ng first dose ng COVID-19 habang dalawa naman ang fully vaccinated na.
Habang inaalam pa ang estado ng iba pang nagpositibo sa delta variant.
Una nang sinabi ng DOH na ang bakuna ay makatutulong na mabawasan ang mga seryosong sintomas ng COVID-19 o panganib na ma ospital o mamatay sa naturang virus.