Umabot na sa 18 ang kabuuang bilang ng mga naitatalang kaso ng delta variant ng COVID-19 sa Laguna.
Sa post online, sinabi ni laguna Governor Ramil Hernandez na umaabot ng 2 hanggang 3 linggo bago matukoy kung anong uri ng variant ang tumama sa isang indibidwal.
Kung kaya’t posibleng magaling o cleared na ang pasyente bago lumabas ang isinagawang resulta.
Sa kabila nito, hindi malayo ani hernandez ang posibilidad na nakahawa ng ito bago pa man sumailalim sa testing kontra COVID-19 , lalo na kung ito’y expose at may close contact sa isang nagpositibo sa virus.
Sa huli, nagpaalala si Laguna Governor Hernandez sa mga residente ng lalawigan vaccinated man o hindi na mag-ingat laban sa banta ng COVID-19 at iba’t-ibang mga variants nito.