Pinapurihan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State Of the Nation Address (SONA) si Senate President Vicente Sotto III.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi malayong maging isang mabuting Bise Presidente si Sotto dahil sa magandang performance nito bilang pinuno ng Senado at mambabatas.
Ito’y kahit posibleng maglaban ang punong ehekutibo at Senador sa oras na magpasya si Duterte na sumabak sa Vice Presidential race sa 2022 national elections.
And that is why I said I toyed with the idea, I said if there is still space, with due respect to the Senate President, he is a good man, he can become a good Vice President…with due respect to Senator Sotto, who’s also running for the vice presidency, he is a capable man, a good man, and a Filipino, sige ako tinging sa harap nandito pala sa likod ko, ” wika ni Pangulong Rodrigo Duterte.—sa panulat ni Drew Nacino