Dapat pang lakasan ng mga Pilipino ang pananalangin sa Diyos upang mapigilan ang pagkalat pa ng mas nakahahawang COVID-19 delta variant.
Ito ang payo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa taumbayan sa kanyang ika-anim at huling State Of the Nation Address.
Ayon kay Pangulong Duterte, sakaling dumami pa ang delta variant cases ay wala siyang ibang magagawa kundi magpatupad ng lockdown.
Gayunman, bukod anya sa bakuna ay isa pa rin sa pinaka-mabisang proteksyon ay pananalig sa diyos lalo’t may mga ulat na may ilang namatay sa COVID-19 kahit fully vaccinated na.
If it is really dangerous, you have to go back to lockdown. If there are many people in other parts of the world killing as many, then Delta, if ever it will spread — we have it here now — I hope it will not go any further. But if something wrong happens, I’ll have to be strict … kung ganoon ang COVID saan tayo pupunta? I do not know, what may be we pray for salvation sabihin na lang natin Diyos we have done everything, ″pahayag ng Pangulong Duterte.—sa panulat ni Drew Nacino.