Hindi umano dapat gawing literal ang payo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na magiging Pangulo ng bansa na magdeklara ng Martial Law para mawakasan ang kurapsyon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito lamang ay dala ng “frustration” ng Pangulo sa nangyayaring kurapsyon sa gobyerno.
Ani Roque, sa tingin ng Pangulo ay napakatagal na sa sistema ng gobyerno ang kurapsyon at kung hindi aniya tatanggalin ang lahat ng tao rito ay baka hindi ito matigil.
Magugunitang sinabi ni Pangulong Duterte na matitigil lang ang kurapsyon kung babaliktarin ang gobyerno.