Maaari nang gawin contactless ang pagbabayad ng traffic violations sa Metro Manila.
Ito’y kasunod ng paglulunsad ng cashless payment system ng MMDA at pakikipagtulungan ng Landbank Philippines at Bayad Center.
Ayon kay MMDA Benhur Abalos umaabot sa 2,000 kada araw ang transaksyon ang pagbabayad sa kanilang tanggapan kung kaya’t malaki ang kaginhawaan kung gagawin na lamang online ang pagbabayad sa pamamagitan ng pag-login sa Landbank at Bayad Center.
Hindi rin aniya biro ang banta ng hawaan ng COVID-19 kaya malaki ang maitutulong ng cashless payment system para sa proteksyon sa bawat isa.