Tumaas ng 47% ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 nitong nakalipas na linggo.
Ito’y ayon kay Health Secretary Francisco III kung kaya’t dapat aniya itong magsilbing wake up call sa local government units.
Sinabi pa ni Duque na dapat nang paigtingin at palawigin ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang mga istratehiya upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Nabatid na nakapagtala ang NCR ng mahigit 900 kaso kada araw sa nakalipas na linggo.
Binigyang-diin pa ni Duque na ang pagbabakuna kontra COVID-19 ay isa sa mga susi upang maibsan ang pagtaas ng kaso ng virus sa bansa. — sa panulat ni Hya Ludivico