Nananatiling ligtas at walang naitatalang outbreak sa mga tauhan ng Philippine General Hospital (PGH) dahil sa banta ng Delta variant ng COVID-19.
Ito ang pagtitiyak ni Dr. Regina Berba , head ng infectious control unit ng ospital matapos na mai-admit dito ang 21 sa 72 local cases ng naturang variant.
Dagdag pa ni Berba na ang mga contacts ng mga nagpositibo sa virus ay agad namang naisailalim sa test para masigurong hindi na ito kakalat pa.
Sa kabila ng walang naitatalang outbreak sa PGH, ay ipinatupad naman ang ‘heightened alert’ mula nitong Lunes, Hulyo 26 hanggang sa Agosto 31.
Samantala, binigyang diin naman ni Berba na huwag nang hintayin pa na lumabas ang whole genome sequencing at sa halip na ituring ang lahat na kaso ay positibo sa Delta variant para mas mahigpit pa ring sumunod ang bawat isa sa health protocols.