Umabot sa mahigit 900 na pamilya ang naapektuhan ng pagbaha at landslide sa Sablayan, Occidental Mindoro bunsod ng hanging habagat.
Ayon kay Mayor Andy Dangeros, dahil sa pinsalang dala ng kalamidad, kakailanganin nilang magdeklra ng state of calamity para matugunan ang pangangailangan ng mga residente.
Nasa mahigit P700 milyon naman ang pinsala sa agrikultura habang halos nasa P50 milyon naman sa imprastraktura kung saan maraming nasirang kalsada, tulay at irigasyon.