Nagmatigas si Chief Presidential Counsel Salvador Panelo laban sa paghingi umano ng sorry kay Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz na una nang idinawit ng Palasyo sa umano’y planong pagpapatalsik sa pwesto sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit ni Panelo na wala siyang nakikitang mali sa ginawa niya noong 2019 kung kailan isinama niya si Diaz sa ipinakitang Oust Duterte Matrix na kalaunan ay inamin din nitong hindi beripikado.
Sinabi ni Panelo na kaagad naman niyang nilinaw o makalipas ang dalawang araw na walang kinalaman si Diaz at maging ang celebrity athlete na si Gretchen Ho sa umano’y planong pagpapatalsik sa Pangulong Duterte.
Gayunman, inihayag ni Panelo na nalulungkot siya kung nasaktan si Diaz sa nasabing matrix na wala naman siyang kinalaman.