Hindi sasama ang Magdalo Group sa alyansa para suportahan ang presidential bid ni Senador Panfilo Lacson.
Binigyang diin ito ni Dating Senador Antonio Trillanes, IV matapos balaan si Vice President Leni Robredo at ang Liberal Party hinggil sa pagbubunyag ni Lacson na nakipag-usap sila ni senate President Vicente Sotto, III kay Robredo at maging kay Dating Senador Bam Aquino hinggil sa darating na eleksyon.
Sinabihan ni Trillanes si Robredo na sana ay hindi totoo ang naging pagbubunyag ni Lacson dahil kung totoo ito, pasensyahan na aniya dahil hindi sila sasama ang Magdalo Group sa pagbibigay daan kay Lacson sa Presidential Election.
Ipinaalala ni Trillanes kay Robredo na naging instrumento si Lacson sa pagkakakulong ni LP Member Senator Leila De Lima.
Bilang tugon, ipinabatid naman ni Atty. Barry Gutierrez, Spokesperson ni Robredo na masyado pang maaga ang pagdedeklarang pagpapaubaya ni Robredo kay Lacson sa pagtakbo sa pagka-presidente.
Wala pa naman aniyang siguradong anunsyo o pasya si Robredo kung tatakbong pangulo ng bansa sa susunod na taon bagama’t una nang inihayag nitong bukas siyang sumabak sa presidential elections.