Nagbabala ang Department Of Health o DOH kaugnay sa kumakalat na mensahe patungkol sa lockdown.
Nilinaw ng kagawaran na wala pang inilalabas na desisyon ang Inter-Agency Task Force kung anong quarantine classification ang ipapatupad sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Nakasaad sa naturang mensahe ang mga lugar na kabilang umano sa iba’t ibang klasipikasyon ng circuit breaker o lockdown.
Samantala, nagpaalala ang kagawaran sa publiko na huwag i-share o ikalat ang mga hindi beripikadong impormasyon upang maiwasan ang panic at pagkalito.