Hindi na bago para sa Philippine National Police o PNP ang pagpapatupad ng mas mahigpit na Quarantine protocols kasunod ng pagtaas ng kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang inihayag ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar kasabay ng kahandaan nilang ipatupad ang magiging bagong quarantine classifcations na idedeklara ng IATF.
Ayon sa PNP Chief, mahigpit nang ipinatutupad ng mga Police Unit Commanders ang quarantine protocols bago pa man itulak ng OCTA Research Group ang Circuit Breaker Lockdown partikular na sa Metro Manila.
Patuloy din aniya ang ugnayan sa pagitan ng mga Pulis at Local Chief Executives para sa anumang adjustments na kanilang gagawin sakaling magbago ang quarantine classifications sa NCR.
May nakahanda na anya silang deployment plant lalo na sa mga Police Unit na may naitatalang kaso ng Delta variant sa kanilang nasasakupan.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)