Inaprubahan ni Philippine Air Force Chief Lieutenant General Allen Paredes ang promosyon ni Sergeant Hidilyn Diaz sa ranggong staff sergeant.
Ito ay matapos masungkit ni Diaz ang kauna-unahang gold medal ng pilipinas sa olympics nang magwagi sa women’s 55 kilogram category ng weightlifting.
Tinapos ni diaz ang 97 taong pagkauhaw ng bansa sa gold medal sa olympics.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana, pinupuri nila ang di matatawarang tagumpay ni Diaz sa larangan ng palakasan at pagdadala ng karangalan sa bansa.
Ipinagmamalaki aniya nila si Diaz sa tagumpay nito at nawa’y magpatuloy itong magsilbing inspirasyon sa mga sundalo.―sa panulat ni Hya Ludivico mula sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)