Sinibak sa pwesto ang Commander ng Police Station 3 sa Quezon City matapos mag-deploy ng mga pulis na pending pa ang resulta ng COVID-19 test sa huling SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, ang pagsibak kay Police Station 3 Commander Lt. Col. Cristine Tabdi ay dahil sa command responsibility.
Tinatayang nasa mahigit 80/100 at 60 pulis ng istasyon ang nagpositibo sa COVID-19.
Nilinaw naman ni QCPD DIR. Police BRIG. Gen. Antonio Yarra na 51 rito ang ipinakalat sa SONA.