Itinanggi ng Caloocan City LGU ang kumakalat na congratulatory poster para kay Hidilyn Diaz.
Ang nasabi kasing poster, mas malaki pa ang kuha ng ilang opisyal kaysa sa mismong nagkamit ng gintong medalya.
Ayon sa pahayag ni Caloocan City First District Representative Along Malapitan, itinatanggi niya ang kumakalat na social media post kung saan siya at ang kanyang ama na si Caloocan City Mayor Oca Malapitan ay malisyosong nailagay sa tabi ng larawan ni Diaz.
Paliwanag pa ni Malapitan na proud siya sa panalo ni Diaz pero ang panalong iyon ay sa nasabing atleta lamang.
Dagdag pa niya na ang nasabing poster ay “act of politicking” na hindi naman na bago sa kanilang lungsod.—sa panulat ni Rex Espiritu