Nagpositibo sa COVID-19 ang dalawang crew ng isang barko na nakaangkla sa baybayin ng lalawigan ng Albay.
Ayon sa DOH Bicol region, ang dalawang crew ay nakitaan ng delta variant ng COVID-19 base sa isinagawang genome sequencing.
Sa 19 na crew ng Tugboat, 11 rito ay nagpositibo sa virus.
Galing sa bansang Indonesia ang nasabing barko at huminto sa Butuan City kung saan sila na-swab test.—sa panulat ni Rex Espiritu