Matindi na ang ginagawang pag-iingat ng delegasyon ng ating bansa sa Tokyo olympics matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang pambato ng kalabang bansa.
Katunayan,hihigpitan na ni Patafa Secretary General Terry Capistrano ang pagpapatupad ng health and safety protocols sa ating Pole Vaulter na si Ej Obiena.
Natanggal kasi sa listahan ng competitors ang kalaban ni Obiena matapos magpositibo sa COVID-19.
Umarkila rin si Capistrano ng sariling sasakyan para sa ating mga atleta sa kanilang pag-eensayo para makaiwas sa banta ng nasabing sakit.—sa panulat ni Rex Espiritu