Ipinaliwanag ng Commandant ng United States Coast Guard (USCG) ang kahalagahan ng malayang nabigasyon sa karagatan.
Iginiit din ni Commandant Karl Schultz ang importansya ng payapang usapin sa maritime disputes sa mga international court.
Sa pakikipag-usap via teleconference sa Guam, pinuna niya ang agresibo at pagiging kontrabida ng ilang regional actors sa South China Sea.
Binanggit din nya ang pagtatayo ng mga gusali sa at mga military at defensive system sa isla.
Matatandaang sinang-ayunan ng United Nations ang pagpapawalang bisa sa claim ng China sa South China Sea sa ruling nitong 2016 pero patuloy sa pagmamatigas ang beijing tungkol sa nasabing usapin..—sa panulat ni Rex Espiritu