Walang plano na tumakbo sa anumang posisyon sa pamahalaan ang Olympic gold medalists na si Hidilyn Diaz.
Ito ang kanyang paglilinaw matapos siyang sabihan ni Pangulong Duterte na isa ng political stock.
Naniniwala kasi si Diaz na mahirap maging public servant dahil aniya ay marami ka pang dapat matutuhan.
Aniya, tutulong na lamang siya sa ating mga kababayan sa kanyang sariling pamamaraan.
Sa huli kinuwento niya plano pa ring nyang sumali sa paparating na South East Asian games at sa Weightlifting World Championship. —sa panulat ni Rex Espiritu