Daan-daang bilyong piso ang nanganganib na mawala sa ekonomiya ng bansa kada linggo ng pag-iral ng ECQ sa Metro Manila.
Ito’y ayon sa National Economic and Development Authority o NEDA kasabay ng nanganganib ding pagkawala ng libo-libong trabaho rehiyon.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, batay sa estimasyong ginawa ng NEDA, aabot sa mahigit P100 bilyon ang sa malamang ay mawala sa ekonomiya ng bansa.
Inaasahan din ang pag-akyat ng bilang ng mahihirap sa mahigit 170k at higit 400k madadagdag na mawawalan ng trabaho.
Ginawa ang pahayag na ito ng NEDA Chief matapos i-anunsyo ng malakaniyang ang pagsasailalim sa Metro Manila sa ECQ sa Agosto 6 hanggang 20.