Kinumpirma ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na iiral nang muli ang Visiting Forces Agreement o VFA sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ito’y ayon sa kalihim makaraang pumayag si Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang kaniyang deklarasyon na ibasura ang nasabing kasunduan.
Ayon kay Lorenzana, ang desisyon ng Pangulo ay resulta ng naging pagpupulong nila ni US Defense Sec. Lloyd Austin na kasalukuyang bumibisita sa bansa.
Sa pulong balitaan sa kampo Aguinaldo sa pagitan nila Austin at Lorenzana, nagpasalamat ang US Defense Secretary sa naging pasya na ito ng Pangulo.
Kapwa umaasa ang dalawang kalihim na mapaiigting pa ng Amerika at Pilipinas ang ugnayan nito partikular na sa usaping pangdepensa at kakayahan ng mga sundalo.