Isinusulong ng isang Senador ang panukalang batas na magpapalakas sa modernisasyon ng Bureau of Fire Protection o BFP.
Ayon kay Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, layon ng Senate Bill 1832 o BFP Modernization Act of 2019 na ang layuning paunlarin ang kakayahan ng mga pamatay sunog na tumugon sa mga insiddente ng sunog.
Ginawa ni Go ang pahayag nang bisitahin at hatiran ng tulong ang mga residente ng San Jose sa lalawigan ng Batangass na nabiktima ng malaking suog kamakailan.
Kasunod nito, binigyang katiyakan din ni Go sa mga taga- San Jose ang karampatang tulong medikal sa gitna na rin ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng mga Malasakit Centers na nakakalat sa lalawigan.
PInaalalahanan naman ng Senador ang mga Batangueño na laging ugaliing mag-mask, hugas, iwas upang makaiwas sa pagkakahawa ng COVID-19 lalo’t may local transmission na ng Delta variant.