Mabilis na inflation trend o pagmahal ng bilihin at serbisyo para sa buwan ng Hulyo.
Ito ang nakikita ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kaya’t posibleng pumalo anito sa hanggang 4.7% ang inflation rate mula sa 4.1% na naitala para sa buwan ng Hunyo.
Kabilang sa mga dahilan nang mabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo ayon sa BSP ang pagmahal ng Domestic Petroleum Products.
Mayroon din aniyang epekto ang inflation trend sa singil sa kuryente at mababang halaga ng piso.