Pasok na sa final round ng pole vault event sa Tokyo Olympics ang pambato ng Pilipinas na si EJ Obiena.
Ito’y makaraang makuha ni Obiena ang ika-10 puwesto nang maitala ang 5.75-meter mark.
12 atleta lamang sa qualification phase ang umabante sa finals.
Samantala, pasok na rin sa quarterfinals ng men’s flyweight ang Pinoy boxer na si Carlo Paalam.