Nanawagan ang Malakanyang sa mga taga NCR na iwasang mag-panic buying, ilang araw bago muling isailalim ang Metro Manila at mga karatig lalawigan sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang dahilan para mag-panic buying dahil bukas naman ang mga pamilihan kahit naka ECQ simula Agosto 6 hanggang 20.
Ang isang Linggo anyang palugit ay para sa pagpaplano lalo na sa mga maaapektuhang negosyo.
Nilinaw din ng palace official na wala pang malaking banta at nasa low risk pa rin naman ang NCR plus at ipatutupad lamang ang ECQ upang mapigilan ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 Delta variant cases. — sa panulat ni Drew Nacino.