Sugatan ang isang lalaki matapos tagain sa ulo ng kanyang tiyuhin sa bayan ng Batan, Aklan.
Kinilala ang biktimang si Narciso Arollan, 49 anyos habang sumuko ang suspek na si Willy Gabriel, kapwa residente ng Barangay Man-up.
Ayon sa Batan Municipal Police Station, naganap ang insidente sa loob ng bahay ng magtiyuhin kung saan kinompronta ng biktima ang tiyahin nito, na asawa ni Gabriel, hinggil sa hindi nila pagbibigay ng ulam sa kanyang lola.
Narinig ng suspek ang pagtatalo kaya’t sinugod nito ang pamangkin bitbit ang itak at tinaga sa ulo pero naagaw ng asawa ni Gabriel ang itak at itinapon sa labas bahay.
Agad naman dinala sa Aklan Provincial Hospital si Arollan habang nakipag-areglo na rin ito sa suspek kapalit ng sasagutin nito ang pagpapagamot sa biktima. — sa panulat ni Drew Nacino.