Posibleng payagan ng National Task Force Against COVID-19 ang paglabas ng isang miyembro ng bawat pamilya para sa muling pagpapatupad ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine sa NCR.
Ito, ayon kay NTF Spokesman Restituto Padilla, ay hangga’t hindi pa inilalabas ang guidelines para sa ECQ na magsisimula sa Agosto 6 hanggang 20.
Ang 1 person per household policy ay ipinatupad din noong isang taon kung saan pinapayagan ang isang miyembro lamang ng bawat pamilya na bumili ng pagkain at iba pang pangangailangan.
Layunin anya nito na limitahan muna ang galaw ng publiko upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19 partikular ang Delta variant nito na mas nakahahawa at mabilis kumalat.
Nakatakda namang ilabas ang guidelines kaugnay sa cash aid, public transportation at mobility ng mga tao bago ibalik ang Metro Manila sa ECQ. — sa panulat ni Drew Nacino.