Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang publiko na magtulungan sa gitna ng pandemya sa kabila ng pagpapatupad sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila.
Ayon sa Bise Presidente, walang kasiguraduhan ang pagdating ng ayuda mula sa pamahalaan para sa mga apektadong pamilya na maaapektuhan ng dalawang linggong lockdown.
Habang nasa ilalim ng ECQ, umaasa aniya siya na magkakaroon ng pondo para sa ayuda dahil maraming mawawalan na naman ng hanapbuhay.
Gayunman, umapela si Robredo sa publiko na magdoble ingat at kung mayroong suplay ng bakuna ay magpabakuna bilang pag-iingat sa Delta variant ng COVID-19.