Napatawad na ni Tokyo Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.
Ito’y makaraang idawit ang kanyang pangalan sa Oust Duterte Matrix na inilabas ng Malakanyang noong 2019.
Ayon sa pinay weightlifter na may rason si Panelo kung bakit nangyari iyon at hindi na niya ito pinalaki pa.
Bukod dito, nagpaabot na rin ng apology si Panelo kung saan iginiit na “misplaced” ang sakit na naramdaman ng pinay weight lifter.
Samantala, nagpaabot naman ng pagbati si Panelo sa tagumapy na inuwi ni Diaz para sa Pilipinas.